-- Advertisements --

Nanawagan si Agriculture Sec. William Dar sa hog raisers na huwag samantalahin ang pinaghihinalaang African swine fever na nakapasok sa bansa.

“We are requesting ‘yung mga nagbababoy, ‘yung mga nagbebenta ng mga, in particular pork, na ‘wag naman samantalahin itong situation na ito,” ani Dar.

“Let’s cooperate, let’s work with one another – tulungan ito. ‘Yung industry assures us enough supply, so hindi tayo mamamahalan.”

Nitong umaga nang ianunsyo ng Department of Agriculture na may suspected animal disease sa Pilipinas matapos maiulat ang ilang kaso ng pagkamatay sa mga alagang baboy.

Sa ngayon tumanggi muna si Sec. Dar na banggitin ang uri ng sinasabing animal disease at kung saang bahagi ng bansa naitala ang kaso.

Kailangan pa rin daw kasing makita ang resulta ng confirmatory laboratory test.

Kaugnay nito, nilinaw ni Dar na may sapat na supply ng karne ng baboy sa bansa at walang dapat ikabahala ang publiko.