-- Advertisements --
image 111

Inihanay ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nakapulong nitong business leaders sa cambodia ang agresibong housing program ng kaniyang administrasyon.

Sa kaniyang pakikipag usap sa mga negosyante, nabanggit ng pangulo na may backlog o kulang na 6 na milyong units ng pabahay para sa mga pilipino.0

Kaya naman pursigido aniya ang kaniyang administrasyon na matugunan ang problemang ito.

Aminado ang pangulo na ambisyoso ang numerong ito subalit kailangan aniya nilang gawin na makapagpatayo ng 1 milyong bahay kada taon.

Katwiran ng pangulo, mas lumalaki ang problema at nagkakasanga sanga pa kung walang disneteng bahay na matitirhan ang mga tao.

Paliwanag pa ng punong ehekutibo sa mga business leader, hindi lamang basta bahay ito kundi dapat komunidad ang kaniyang maipagawa na mayroong eskwelahan, hindi malayo sa lugar ng trabaho ngga titira rito, accessible sa pampublikong transportasyon, may palengke at simbahan, kung hindi aniya ay hindi rin ito praktikal na matitirhan.

Sa huling update ng housing agency, nasimulan na nila ang konstruksyon ng ilang pabahay sa ibat ibang lugar sa bansa.

Ibig sabihin nalagdaan na ang memoranda of agreement sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan para sa proyekto.

Nakatakda ring magpalabas si pangulong marcos ng exec order para tukuyin kung alin aling mga lupain ng gobyerno ang nakatengga lamang at pwedeng gamitin sa pagpapatayo ng mga pabahay.