Nagbabala naman si Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III sa agrarian reform beneficairies sa pagbebenta ng kanilang lupain kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng New Agrarian Emancipation Act.
Binigyang diin ng kalihim na sa ilalim ng batas, hindi pinapayagan ang mga benepisyaryo na ibenta sa iba ang kanilang sinasakang lupain sa loob ng 10 taon.
Paliwanag pa ni Estrella na kapag ibinenta ng mga benepisyaryo ang kanilang lupa nang hindi pa lumalagpas ng 10 taon ay babawiin ng pamahalaan at ibibigay sa ibang benepisyaryo ang lupa.
Sinabi din ng Agrarian reform official na unti-unti na nilang pinapayuhan ang mga agrarian reform beneficiaries kaugnay sa naturang usapin.
Ipinunto din nito na kailangan na naiabot sa kanila ang titulo at iginiit na kailangan na maghintay muna ng 10 taon bago maibenta ang lupa sa iba.