BUTUAN CITY – Nai-turn over na ng pamilya Granada sa mg tauhan ng CENRO ang isang agila na natagpuan at nahuli nila kahapon ng alas-tres ng hapon sa kanilang farm sa Brgy. Del Pilar, Cabadbaran City sa lalawigan ng Agusan del Norte.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Michelle Granada, residente ng Horizon Village sa Brgy. San Vicente nitong lungsod, na ang kanyang bunsong kapatid na si Gabriel ang nakakita sa agila na hinabol umano ng mga uwak sa may kawayang bahagi ng kanilang farm sa Brgy. Del Pilar, Cabadbaran City.
Dahil nanghihina na sa habulan kung kaya’t madali itong nahuli ng kanyang kapatid na ayaw namang kumain. .
Dali silang tumawag sa mga personahe ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Caraga kung kaya’t nakuha ito kaninang alas-8:30 ng umaga.