-- Advertisements --

Pinayuhan ng beteranong ekonomista at kasalukuyang House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda ang pamahalaan iwasana ang aniya’y mga tukso sa polisiya kasunod nang 9.5 percent contraction ng gross domestic product (GDP) ng bansa noong 2020.

Tatlong solusyon naman ang nakikita ni Salceda para makabangon ang Pilipinas sa pagbulusok ng GDP ng bansa noong nakaraang taon, una ay ang agarang rollout ng bakuna kontra COVID-19.

Kailangan aniya bago matapos ang taon ay makamit na ang target na herd immunity, kaya umaapela rin siya na kaagad aprubahan ang Bayanihan sa Bakuna Act dahil mapapabilis nito ang procurement, rollout at administration ng mga bakuna.

Ayon kay Salceda, walang punto ang unti-unting pagbukas ng ekonomiya kung hindi naman naibabalik ang kumpiyansa ng publiko para lumabas.

Pangalawa, dapat gastusin ng husto ang pondo ngayong 2021 at ubusin ang natitirang halaga sa 2020 budget.

Papanagutin aniya ng Kongreso ang mga ahensya at kagawaran ng pamahalaan na iniipit ang kanilang pondo.

Pangatlo, kailangan ipaabot hindi lamang sa domestic kundi maging sa international investing communities na ang Pilipinas ay bukas sa negosyo.

Mangyayari lamang aniya ito kapag aprubahan na ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, pag-amiyenda sa restrictive economic provisions ng Saligang Batas sa ilalim ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 2, at pagiging mas bukas sa patas na public-private partnership.

Samantala, tatlong bagay naman ang dapat na iwasang gawin aniya ng pamahalaan, una rito ang pagiging masyadong mapagbigay sa mga insentiba, pangalawa ang pagkakaroon ng credit barriers, at pangatlo ang pagiging takot sa pagkakaroon ng deficit