Kinalampag ni Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na maglabas na ang protocols at guidelines sa COVID-19 vaccines.
Ito ay kasunod na rin ng anunsyo ng pamahalaan na libreng tuturukan ang ilang milyong Pilipino sa oras na maging available ang COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Mahalagang paghandaan aniya hindi lamang ang pagkakaroon ng komprehensibo at sistematikong action plan sa smooth at efficient distribution protocols para sa COVID-19 vaccines kundi maging ang tinatawag na post-pandemic life.
Ito ay para matiyak na lahat ng sektor ay may ideya sa kung ano ang aasahan mula sa pamahalaan at kanikanilang mga komunidad.
Inihalimbawa ni Ong na abang maaga ay dapat available na ang comprehensive at detailed database ng mga tatanggap ng bakuna at hindi iyong ihahanda lamang ito kung kailan andyan na ang COVID-19 vaccine.
Dapat na magkaroon din aniya ng sistema para sa madaling documentation at identification ng mga taong nabakunahan na tulad ng pagiisyu ng QR Codes o bar codes na may centralized database.