-- Advertisements --

Tiniyak ng liderato ng Kamara ang agarang pag-apruba sa hinihinging supplemental budget ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga lugar na apektado ng pagputok ng Taal Volcano.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, nakikipag-ugnayan na sa Department of Budget and Management (DBM) sa pagpasa ng proposed supplemental budget at para matiyak na rin anoya ang epektibo at responsive na execution nito.

Iginiit ni Cayetano na makakatulong sa kondisyon ng mga apektadong kababayan ang pagkakaroon ng supplemental budget bagkus matutulungan ang mga ito sa kanilang pagbangon.

Nauna nang humingi si Pangulong Duterte ng P30 billion supplemental budget sa Kongreso para sa mga nabiktima nang aktibidad ng Taal Volcano.

Kaya naman hinimok ng lider ng Kamara ang mga kapwa niya kongresista na pagbutihin at bilisin ang kanilang trabaho upang matiyak na maobigay sa mga biktima nang pagputok ng Taal ang mga kinakailangan ng mga ito.

Sa tantya ng NEDA, aabot na sa P7.63 billion ang economic loss ng bansa, habang ayon naman sa DA-CALABARZON pumalo na sa P3.06 billlion ang pinsala sa agrikultura.

Bukas, sa Batangas City Convention Center isasagawa ng Kamara ang kanilang plenary session para talakayin ang mga hakbang na maaring gawin ng pamahalaan sa epekto nang aktibidad ng Taal Volcano.