-- Advertisements --
Pumapalo na sa 3,623 ang bilang ng mga aftershocks na na-monitor ng Phivolcs mula sa 7.0 magnitude na lindol na yumanig sa Northern Luzon.
Matatandaang naitala ang sentro ng lindol sa lalawigan ng Abra noong Hulyo 27, 2022.
Ayon sa ahensya, nasa 1,036 ang plotted sa mga pagyanig o na-detect sa pamamagitan ng mga pasilidad ng Phivolcs.
Habang 63 naman ang may kalakasan na naramdaman ng mga residente.
Ang aftershocks ay may lakas na mula sa 1.4 hanggang 5.1 magnitude, base sa ginagamit na Richter scale ng mga eksperto.