Fergie with apl de ap
(C) Splash
Fergie with half Pinoy ex-bandmate apl.de.ap

Tuluyan nang naghain ng divorce ang dating miyembro ng “Black Eyed Peas” na si Fergie laban sa celebrity husband na si Josh Duhamel.

Ito’y dalawang taon matapos ianunsyo ang kanilang paghihiwalay sa kabila ng eight years of marriage na nagbunga ng isang anak na ngayon ay five years old na.

Batay sa impormasyon, inihain ng 44-year-old singer ang divorce documents sa Pasadena court sa Los Angeles.

Wala pa namang komento ang magkabilang kampo hinggil sa panibagong development ng paghihiwalay ng celebrity couple.

“With absolute love and respect we decided to separate as a couple earlier this year. To give our family the best opportunity to adjust, we wanted to keep this a private matter before sharing it with the public,” ang joint statement nina Fergis at Josh noong 2017.

Taong 2004 nang magsimula ang kanilang love story na nauwi sa kasalan noong 2009.

Kasalukuyang nasa “good terms” naman umano ang dating mag-asawa lalo na pagdating sa kanilang only son. (OMG)