-- Advertisements --

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang African Union na isulong ang mapayapang pag-uusap sa dalawang puwersa na magkalaban sa Sudan.

Kasunod ito sa pahayag ng Sudanese Army na hindi na sila makikibahagi sa peace talks sa paramilitary na Rapid Support Forces (RSF).

Inakusahan kasi ng Sudan Army ang RSF na lumalabag at hindi sumusunod sa ipinapatupad na ceasefire.

Una ng pinalawig ang ceasefire ng isang taon kung saan pinangunahan ng US at Saudi Arabia ang pagsusulong ng ceasefire.

Ayon pa sa African Union na kanilang hinihikayat pa rin ang US at Saudi Arabia na isulong ang pagiging mediators sa magkalabang puwersa sa Sudan.

Magugunitang mula ng sumiklab ang kaguluhan noong Abril sa Sudan ay ilang milyon na ang lumikas at ilang daang katao na rin ang nasawi.