-- Advertisements --

MANILA – Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na may kaso muli ng African swine fever (ASF) na naitala sa bansa.

Ayon sa DA, ini-report ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory sa Eastern Visayas ang ASF case sa bayan ng Dulag, Leyte.

Ito’y matapos na isailalim sa rapid test ng laboratoryo sa ang biglang pagkamatay ng isang bahagi ng lupa sa bahagi ng Brgy. Combis.

Nitong Biyernes daw nang kumpirmahin ng Bureau of Animal Industry sa Maynila na ASF positive nga ang resulta dahil sa ginawa nilang PCR diagnostic test.

Dati nang nakapag-ulat ng kaso ng sakit sa mga alagang baboy ng naturang bayan.

Nagsimula na raw ang DA Regional Task Force na kausapin ang municipal officials para hindi kumalat ang ASF sa iba pang hog farms ng bayan.

Pinayuhan na rin ang mga may-ari ng babuyan na bantayan ng mabuti ang kanilang mga alaga at iwasan na pakainin ang mga ito ng “kaning baboy” pinaghalo-halong tirang pagkain.