Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila hahayaan ang New Peoples Army (NPA) na makapag recruit at makapagpalakas ng kanilang pwersa ngayong umiiral ang ceasefire.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo may mga counter measures na dito ang militar kaya mahigpit nila itong tututukan.

Tini-take advantage kasi ng komunistang rebelde ang ceasefire para makapag-recruit, research at refurbished.

Giit ni Arevalo may mga natutunan na rin ang militar sa tuwing umiiral ang tigil putukan.

Kaya mahigpit nila itong mino-monitor ng sa gayon mapigilan ang kanilang mga masasamang balak.

Una ng siniguro ng AFP na mananatili silang naka-alerto at vigilant sa kabila ng umiiral na tigil putukan komunistang grupo.