Ipinapaubaya na lamang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Commission on Election (COMELEC) kung kailangan nga bang itaas ang alert status sa Bangsamoro region.
Kasunod ito sa pamamaril sa convoy ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (Barmm) Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy” A. Macacua sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong araw ng Sabado.
Sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, na laging katuwan nila ang Philippine National Police (PNP) at lahat ng mga kautusan ng COMELEC ay kanilang sinusunod.
Naniniwala din si Padilla na walang magiging sagabal pa para hindi matuloy ang kauna-unahang parliamentary election sa BARMM sa darating na Setyembre 14.
Naniniwala din ito na sapat ang bilang ng mga kasundaluhan na nakatalaga sa Bangsamoro region para magbantay sa halalan at tiniyak nito sa mga botante doon na magiging mapayapa at babantayan nila ang seguridad nila.
















