-- Advertisements --
image 264

Tinatarget ngayon ng Armed Forces of the Philippines na bumili ng diesel-electric submarines sa huling bahagi ng isinasagawang modernization program ng milita.

Ito ang inihayag ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa gitna ng kasalukuyan pa ring pagsasapinal sa modernization program ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ayon kay Brawner, kabilang sa mga wish lists ng Philippine Navy ang pagkakaroon ng long range equipments tulad ng submarine.

Kung maaalala, ang proposed budget para sa submarine acquisition program ay nagkakahalaga ng Php80 billion hanggang Php110 billion kabilang na ang basing, maintenance, at crew training nito.

Aniya, bukod dito ay posible ring maisama sa Horizon 3 ang iba pang pangangailangan ng Philippine Navy para sa dagdag na sasakyang pandagat, na inisyal na itinakdang maipatupad mula 2023 hanggang 2028.

Sabi ni Brawner, ang mga proposed equipments na nakatakdang kunin ng kasundaluhan para sa Horizon 3 ay mas makapangyarihan at magkakaroon ng mas maraming bilang.

Giit niya, nire-reconfigure ng AFP modernization program upang mabigyan ng kakayahan ang kasundaluhan na mas maprotektahan ang exclusive economic zone ng Pilipinas.

Layunin aniya nito na maprotektahan ang mga islang nasasakupan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.