-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapa-ulan ng missiles ng Iran sa iba’t-ibang bahagi ng Israel.

Ilang mga tinamaan na nagdulot ng pagsabog ay sa bahagi ng Tel Aviv at sa Jerusalem.

Ayon sa Iran na ang nasabing hakbang ay bilang kasagutan nila sa ginawang pag-atake ng Israel.

Naharang naman ng Israel ang ilang rockets ng Iran gamit ang kanilang Iron Dome.

Ipinagmalaki rin ng Iran na kanilang tinamaan ang ilang mga military sites ng Israel.

Ikinagalit naman ni Israeli Defense Minister Israel Katz ang ginawa ng Iran dahil sa dinamay na nila ang mga sibilyan.

Magugunitang sa ginawang pag-atake ng Israel sa Iran ay nasawi ang mga matataas na lider gaya nina Gen. Hossein Salami, ang commander-in-chief of Iran’s Revolutionary Guard at si Maj. Gen. Mohammad Bagheri, mataas na military official ng Iran.

Inakusahan kasi ng Israel ang Iran na kaniyang inaayos ang nuclear programme nito na itinanggi naman nila.