-- Advertisements --

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang desisyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na nagdedeklara kay CPP-Founding Chair Jose Maria Sison at 18 iba pang opisyal ng CPP-NPA bilang mga terorista.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sibejana, ang desisyon ng ATC ay base sa beripikadong impormasyon.

Sinabi ni Sobejana, dahil dito ay mas mapoprotektahan ng AFP ang mga mamayan mula sa banta ng terrorismo, at mapapanagot sa hustisya ang mga naturang indibidual.

Umaasa aniya ang AFP na ang desisyon ng ATC ay magbibigay ng kapangyarihan sa pamahalaan na iwaksi ang terrorismo sa bansa, at mapanatili ang isang mapayapa at maunlad na bansa para sa lahat ng Pilipino.

Bukod kay Sison, kasama sa mga idineklarang terrorista ang kanyang asawang si Julieta, Vicente Ladlad, Jorge Madlos, Adelberto Silva, Rey Casambre, Rafael Baylosis, Wilma at Benito Tiamzon, at iba pang mga miyembro ng CPP Central Committee.

Ayon sa ATC ang CPP Central Committee ang pinakamataas na liderato ng kilusang komunista na nagbibigay ng mga utos sa New Peoples Army.

Ilang personalidad din sa teroristang Abu Sayyaf at Bangsa Moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang kabilang din sa terrorist list ng ATC.