Nilinaw ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang kinalaman sa nakaambang pagpapalawak ng martial law ang inilabalas na Memorandum 32 ni Pang. Rodrigo Duterte kung saan inatasan nito ang pagdedeploy ng karagdagang tropa sa Samar, Negros island at Bicol region.
Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo, walang katotohanan ang mga lumalabas na ispekulasyon na may kaugnayan ang Memorandum 32 para palawigin pa ang umiirial na Batas Militar ngayon sa Mindanao.
Una ng inihayag ng AFP at PNP na suportado nila ang memo 32 ng Pangulo.
Paliwanag ni Arevalom layon lamang ng nasabing memorandum ay harangin ang mga ginagawang atrosidad ng CPP-NPA-NDF.
Ngayong Linggo, nakatakdang magpupulong ang Joint Peace and Security Coordinating Committee para sa mga isasagawang hakbang upang matugunan ang ‘state of lawlessness” sa mga nasabing lugar.