-- Advertisements --
Malaya pa ring nakakapangisda ang mga Pilipino sa Scarborough Shoal sa tulong ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, paglilinaw ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa isang pahayag, nilinaw ni Koronel Medel Aguilar na sa pinakahuling ulat, ang ating mga mangingisda ay nakakapangisda pa rin sa Scarborough Shoal sa tulong ng PCG [Philippine Coast Guard], BFAR [Bureau of Fisheries and Aquatic Resources], at NICA [National Intelligence Coordinating Agency].
Nauna nang sinabi ni Agular na hinarang ng Chinese Coast Guard at maritime militia nito ang pagpasok ng mga mangingisdang Pilipino sa lugar, na kilalang sagana sa marine life.