Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila pababayaan o iiwan ang BRP Sierra Madre.
Sinabi ni AFP spokesperson for West Philippine Sea Ret. Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na nagpapakalat lamang ng maling impormasyon ang Chinese Embassy sa Manila ukol sa presensiya ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Dagdag pa nito na malinaw na nagpapakalat lamang ang Chinese Embassy ng maling impormasyon at nais nilang baligtarin ang kasaysayan.
Inihalimbawa ni Trinidad ang nangyari noong 1995 ng iligal na sinakop ng Chinese Communist Party (CCP) sa Panganiban Reef o Mischief Reef na sakop ng ating bansa.
Giit ni Trinidad na ang Mischief Reed ay tumatayong bilang konkretong monumento sa maling ipinapakalat na impormasyon ng China sa West Philippine Sea.
Nanindigan si Trinidad na ang presensiya BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay makatarungan at ito ay napapaloob sa 2016 Arbitral Tribunal na siyang nagpapatunay sa maling pag-angkin ng China.
Paglilinaw nito na walang anumang mga plano para tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
















