-- Advertisements --

Tiniyak ni AFP chief of staff Lt Gen. Benjamin Madrigal na gagawin ng militar ang lahat magiging safe and secured lamang ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon sa buong bansa.

Sinabi ni Madrigal na mahigpit nilang ipapatupad ang kanilang mandato na protektahan ang mamayan.

Sa ngayon naka alerto ang lahat ng kanilang mga front line units sa buong bansa lalo sa mga lugar na may banta sa seguridad.

Mahigpit din ang bilin ni Madrigal sa mga sundalo palakasin ang seguridad at intelligence monitoring, lalo na sa mga lugar na malakas ang presensiya ng mga rebeldeng NPA at Local terrorists groups.

Nagpasalamat naman si Madrigal sa pamilya ng mga sundalo sa kanilang pag unawa at sakripisyo.

Ito ay dahil aniya kahit panahon ng pasko ay nagtatatrabaho ang halos lahat ng mga sundalo na malayo sa kanilang mga pamilya.

Hindi naman binanggit ni Madrigal kung magkakaroon ng holiday break ang mga sundalo.