-- Advertisements --

Nagsagawa ng rescue flight ang Philippine Air Force (PAF) para sa ilang stranded na indibidwal mula sa Siargao na isa sa mga lugar na labis na naapektuhan ng Bagyong Odette.

Sakay ng C-130 aircraft ang kabuuang 140 stranded individuals nang lumapag ito sa Villamor Air Base sa Pasay, kahapon.

Maliban dito, ginagamit din ang air assets ng Air Force sa pagdadala ng relief goods, vital equipment at Humanitarian Assistance and Disaster Response personnel sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

May 19 na air assets ang ipinakalat at ginagamit para sa mga operasyon sa pagtugon sa kalamidad sa bansa.

Una nang ipinag-utos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pag-deploy sa lahat ng sasakyan ng militar upang mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.