Nag-assumed na bilang bagong Deputy Chief of Staff for Logistics (J4) si Major General Fernyl Buca, kasunod ng pagreretiro sa serbisyo ni Major General Rene Diaz.
Ang Change of Office at Retirement Ceremony ay pinangunahan ni Deputy Chief of Staff, AFP (Armed Forces of the Philippines) Vice Admiral Rommel Anthony SD Reyes sa Tejeros Hall, AFP Commissioned Officers Club sa Camp Aguinaldo kahapon.
Nagpasalamat si Vice Admiral Reyes sa 34 na taong matapat na serbisyo ni M/Gen. Diaz kung saan bilang Logistics chief ay pinangasiwaan niya ang 13 malalaking proyekto sa ilalim ng AFP modernization program.
Kabilang dito ang procurement ng 16 units s70i Blackhawk Utility Helicopters, 12 units 155mm Self-Propelled Howitzers, at 15 Armored Mortar Carriers.
Binati naman ni Vice Admiral Reyes si M/Gen. Buca sa kanyang pag-upo bilang bagong Logistics Chief at sinabing mataas ang kanyang kumpiyansa na maipagpapatuloy o mahihigitan pa niya ang mga accomplishment ng J4.
Bago ito, si M/Gen. Buca ang Commander ng Air Education, Training and Doctrine Command, ng Philippine Air Force, at dating Acting Deputy Chief of Staff for Logistics, AJ4, mula Marso 2019 hanggang Mayo 2020.