-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala pa silang ebidensya na may foreign funding ang Maute terror group.

Magugunitang nanumpa ng suporta at pakikipag-alyansa ang Maute group sa ISIS habang ilang foreign terrorists din ang nakikipaglaban sa militar sa Marawi City.

Sinabi ni AFP Spokesman Gen. Restituto Padilla, hindi pa nila nai-establish kung nakatanggap ng pondo ang Maute group mula sa ISIS.

Ayon pa kay Padilla, puspusan ang kanilang monitoring sa pagkilos ng Maute group members upang hindi makahalubilo sa mga sibilyan.

Alam nila umanong marami sa mga terorista ang gusto ng makalabas sa kordon ng militar at hindi malayong makihalo sa mga sibilyan.

Pero naniniwala daw silang hindi sila pagtatakpan o kanlungin ng mamamayan ng Marawi City.