-- Advertisements --
joint naval drills

Nilinaw ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Lt. Gen. Romeo Brawner na hindi pinagtutulungan ng Pilipinas, US, Japan at Australia ang China sa gitna ng joint naval drills ng nasabing mga bansa sa pinagtatalunang karagatan.

Ayon sa AFP official mayroong sariling interes ang mga nasabing bansa at kapag nagsama-sama aniya ang mga ito na magkakatulad ng pag-iisip ay mas maraming makakamit.

Ang naturang joint naval exercises kasi ay isinagawa ilang linggo matapos ang naging komprontasyon sa Ayungin Shoal ng West Philippine Sea noong Agosto 5, nang harangin at bombahan ng Chinese Coast Guard (CCG) ng tubig o water cannon ang mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard na magsusuplay sana noon sa mga tropang Pilipino na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre.

Habang ang US, Japan, at Australia ay nagpahayag naman ng suporta para sa Pilipinas at kinondena ang mga aksyon ng Beijing bagamat kasunod ng insidente mabilis na nilinaw ni Brawner na ang joint drills ay hindi bago sa militar ng Pilipinas at ang mga ito ay hindi nakatutok sa isang partikular na bansa.

Sa pamamagitan din ng nasabing naval drills, nakakasalamuha ng mga sundalo ng PH ang militar ng ibang bansa para mahasa ang kanilang kakayahan at pagsasanay lalo na sa paggamit ng mga modernong armas, taktika, at napapalakas ang kanilang interoperability.