-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng TNT Tropang Giga ang Meralco Bolts 101-84 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng TNT si Roger Pogoy na nagtala ng 34 points habang mayroong 28 points at limang rebounds si Calvin Oftana sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Sa pagtatapos ng third quarter ay mayroong tatlong puntos ang lamang ng TNT hanggang pagpasok ng last quarter ay doon na umarangkada ang Tropang 5G.
Hindi naman umubra ang ginawang 23 points si Cliff Hodge kung saan mayroon ng tatlong panalo at apat na talo ang Bolts habang ang TNT ay mayroong tatlong panalo at tatlong talo.