-- Advertisements --

Pinayuhan ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang buong hanay ng kasundaluhan na magkaisa at manatiling propesyunal sa kabila ng mga kaliwa’t kanang political noise ngayon sa bansa.

Sa kaniyang pagbisita sa mga tropa ng Philippine Army 1st Infantry Division ay muling binigyang-diin ng heneral na hindi dapat na magpaapekto ang militar sa mga political noise na nangyayari ngayon sa pamahalaan, at bagkus ay dapat aniya na mas maging focus ito sa kanilang pagtupad sa tungkulin.

Aniya, walang pinapanigan ang hukbong sandatahan pagdating sa usaping politikal dahil tanging sa konstitusyon lamang tapat at sa duly constituted authorities ang buong hanay ng kasundaluhan.

Kasabay nito ay inatasan din ni Gen. Brawner ang tropa ng mga militar na patuloy na tugisin at tuluyan nang sugpuin ang mga natitira pang miyembro ng teroristamg grupong Dawlah Islamiyah-Maute Group na pawang mga itinuturing na suspek din sa madugong pangbobomba sa Mindanao State University sa Marawi City.

Kung maaalala, sa anim na sundalo at tatlong terorista ang resulta ng pinakahuling engkwentro sa pagitan ng militar at DI-MG Munai, Lanao del Norte.