-- Advertisements --

Nakipagpulong ngayong araw si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. AFP Multi-Sectoral Governance Council sa General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ito ay matapos ang magkasunod na insidente ng pangbobomba ng water cannon ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc at Ayungin shoal nitong nakalipas na weekend.

Dito ay isa-isang inilatag Multi-Sectoral Governance Council, ang security sector reform partner ng AFP, ang kanilang mga rekomendasyon hinggil sa mga polisiya, plano, programa ng kasundaluhan, at maging ang Transformation Roadmap ng Sandatahang Lakas.

Layunin nito na mas mapaigi pa ang transparency at accountability ng militar.

Kaugnay nito ay nagpaabot naman ng pasasalamat si AFP chief Brawner sa naturang konseho para sa oras at effort na iginugol nito para tulungan ang kasundaluhan.

Bilang kapalit aniya ay nagpahayag ng commitment ang AFP sa pagkamit sa good governance, transparency, at accountability sa buong organisasyon.