Inatasan ni Armed Forces of the Philippine Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. ang lahat ng miyembro ng kasundaluhan na magsanay traditional Filipino martial arts na Arnis.
Ito ang inihayag ng pinuno ng Hukbong Sandatahan matapos ang ginawa ng demonstration ng Philippine Army Arnis Group sa pagdiriwang ng ika-127th anniversary celebration ng Hukbong Katihan sa Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac.
Sabi ni AFP Chief Brawner, ngayong mayroon nang sapat na instructors ng Arnis sa kanilang hanay ay napapanahon na para ituro ito sa lahat ng miyembro ng Hukbong Sandatahan kabilang na ang Philippine Navy at Philippine Airforce.
Aniya, ito ay makakatulong na madagdagan pa ang defense skills ng mga sundalo ng bansa lalo na sa panahon ng emergencies nang hindi lamang dumedepende sa mga armas.
Matatandaan na ang Arnis ay isang indigenous martial art na kilala sa paggamit ng isa o dalawang yantok para sa striking, blocking, locking, at grappling.
Disyembre 11, 2009 ito idineklara bilang Philippine National Martial Art and Sport sa ilalim ng Republic Act 9850 na nilagdaang naman ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.