-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga “unusual movement” mula sa mga tropa ng pulisya at militar kaugnay sa umano’y namumuong ‘destabilization plot’.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP Public Information Officer (PIO) Col. Redrico Maranan na walang direktiba na inilabas si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin na itinataas sa “full alert” status ang pambansang pulisya kaugnay sa napalitang planong coup ‘de tat kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ng ilang opisyal ng Department of National Defense (DND).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Col.Maranan sinabi nito na talagang nasa “full alert” status ang PNP dahil sa pista ng Itim na Nazareno.

Nagsimula kasi ang aktibidad nitong Sabado at magtatapos bukas, Lunes January 9,2023.

Nilinaw din nito na ang mga nakitang larawan na mga tanke ng Special Action Force (SAF) sa harap ng PNP NHQ ay isang routine kung saan nagsasagawa sila ng simulation exercise na layon matiyak ang kahandaan ng mga pulis sa anumang mga posibleng eventualities.

Sa panig naman ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, nasa heightened alert ang PNP dahil sa Pista ng Itim na Nazareno.

” The PNP is on heightened alert due to Nazareno 2023, not because of the alleged destabilization plot in the AFP,” pahayag ni Col. Jean Fajardo.

Nilinaw din ni Fajardo na ang mga tanke ng SAF na nakita sa loob ng Camp Crame ay idiniploy bilang parte sa kanilang security prepartions sa Nazareno 2023.

Samantala, itinanggi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office (PAO) Chief Col. Jorry Baclor ang ulat na may mga unusual movement ng mga tanke at tropa sa Camp Aguinaldo.

Sinabi ni Baclor, ang tanging aktibidad kahapon sa Camp Aguinaldo ay ang turn over ceremony kung saan pormal na nag assume bilang AFP Chief of staff si Gen. Andres Centino kapalit ni Lt. Gen Bartolome Bacarro na nagretiro na sa serbisyo.
Aniya pagkatapos ng turn over ceremony kaagad sila nagsagawa ng command conference kasama si executive secretary lucas bersamin.

Ayon kay Baclor normal ang sitwasyon sa Camp Aguinaldo.

Nag assume na bilang ika 59th AFP Chief of Staff si Gen.Centino.

Sa panig naman ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas bilang professional organization, suportado ang naging desisyon ng Commander-in-Chief, Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging apppointment nito kay Gen. Centino.

Pagtiyak ni Aguilar ipagpatuloy ng AFP ang kanilang misyon para labanan ang mga armadong threat groups na patuloy na naghahasik ng karahasan sa bansa.

” The AFP will continue in its mission to defeat all armed threat groups for the security and safety of our people, for the defense of our territorial integrity and national sovereignty,” pahayag ni Col. Aguilar.