-- Advertisements --

Nanganak ang isang babae na lumikas sa Afghanistan habang nasa evacuation flight paalis ng naturang bansa.

Ayon sa US Air Force, nasa labor na ang babang Afghan national habang sila ay papunta sa Ramstein Air Base sa Germany.

Matapos na lumapag ang kanilang sinasakyan na military plane, kaagad na pumasok ang mga medical personnel at tinulungan ang ina sa panganganak nito sa cargo hold ng naturang eroplano.

Nasa mabuting kondisyon na ang nanay at anak nito, at kaagad namang dinala sa malapit na medical facility.

Nabatid sa US Air Force na habang nasa biyahe, nagkaroon pa ng komplikasyon ang nanay.

Kaya napilitan ang piloto na mag-descend para maitaas ang air pressure sa eroplano, na nakatulong para mag-stabilise ang nanay ang kondisyon ng ina.