-- Advertisements --
Napatay sa isang sucide attack ang gobernador ng Balk province sa Afghanistan.
Inako ng Islamic State group ang pag-atake na ikinasawi ni Mohammad Dawood Muzammil sa mismong opisina niya.
Siya na ang pinaka-senior na Taliban official na napatay mula ng makabalik ang militants sa kapangyarihan noong 2021.
Bagamata bumaba ang naitatalagang karahasan ay target pa rin ng mga militants ang government offiicials.
Si Muzammil ay nanguna sa paglaban sa mga ISIS noong ito ay naging gobernador ng silangang probinsiya ng Nangarhar bago ito mailipat sa Balkh region noong Oktubre.