Ipapatupad na ang suspensiyon ng number coding sa Metro Manila simula bukas kasabay ng Miyerkules Santo.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Procopio Lipana, sa halip na sa Huwebes Santo, Marso 28 pa ipapatupad, suspendido na ito simula bukas at magtatagal hanggang sa Good Friday, Marso 29.
Wala namang number coding sa araw ng Sabado at Linggo.
Ibig sabihin, papayagan pansamantala na dumaan ang mga sasakyan sa EDSA at iba pang thoroughfares sa rehiyon mula 7am hanggang 10am at 5pm at 8pm.
Ito ay kasunod na rin ng pagsuspendi ng Malacanang ng pasok sa trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno bukas mula alas-12 ng tanghali onwards para mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na makabiyahe na pauwi sa kanilang probinsiya ngayong holy week.