Hinugasan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paa ng 12 indibidwal na may pangunahing papel sa nalalapit ng May 9 election.
Gaya ng ginawang tradisyon tuwing Huwebes Santo na itinuturing na ito ang huling pagbibigay serbisyo ng Hesus Kristo sa kaniyang mga disipulo ay kaniya itong hinugasan ang mga paa nila maliban lamang kay Hudas na ipinagkanulo siya.
Ang mga indibidwal na hinugasan ng paa ni Advincula ay sina ang mga first-time voters na sina Therese Paman, Kenny Roger at Miguel Zabala.
Kabilang din ang election officers ng Commission on Elections (COMELEC) na sina Joevy Domondon, Rose Alejandro at director Thaddeus Hernan, mga electoral board members na sina Angelique Mabasa at Dante Parungao, Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) members na sina Dr. Arwin Serrano, Alfie Diaz at Ric Galang at nag-iisang mamamahayag na si Tina Panganiban-Perez.
Nanawagan din si Advincula sa mga mananampalataya na mag-alay ng dasal sa mga biktima ng bagyong Agaton sa Visayas at sa Mindanao.