-- Advertisements --

Nanindigan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang priyoridad nila ay ang talunin ang kalaban kaysa sa pakawalan ang mga bihag.

Bagamat hindi niya ikinaila na target nilang makalaya ang natitirang 59 na bihag ng mga Hamas ay mahalaga sa giyera ang talunin ang mga kalaban.

Ito ang unang pagkakataon na binanggit ni Netanyahu sa Independence Day ng Israel na pumapangalawa na ngayon na priyoridad ang pagpapalaya sa mga bihag.

Umani naman ng negatibo komento ang pahayag na ito ni Netanyahu lalo na sa mga pamilya ng bihag.

Magugunitang maraming bansa na ang nanawagan na dapat ipatupad ang pangmatagalang ceasefire at ang pagpapalaya sa mga bihag.