-- Advertisements --

Labis na humingi ng paumanhin ang advertising firm na kinontrata ng Department of Tourism (DOT) para sa “Love the Philippines” campaign kay Secretary Christina Frasco, sa buong ahensya, at sa mamamayang Pilipino para sa na paggamit ng non-original o stock footage sa audio-visual presentation nito.

Sa isang pahayag, sinabi ng DDB Philippines na inaako nito ang buong responsibilidad para sa kanilang pagkakamali.

Ang audio-visual presentation na na-upload sa social media noong Biyernes ay tinanggal na sa social media page ng ahensya.

Ito ay unang itinuro ng blogger na si Sass Sasot matapos mapansin na hindi bababa sa anim sa mga clip na itinampok sa promotional video ay hindi matatagpuan sa bansa at nagmula sa isang stock video footage site.

Inihayag ng DOT ang pinahusay na slogan ng kampanya sa turismo na “Love the Philippines” noong Martes, na pinalitan ang 11-years na “It’s More Fun in the Philippines” na may layuning makabuo ng isa na nagpapakita ng “Filipino brand.”

Sa ngayon, mahigpit na ipinag-utos ng DOT na imbestigahan ang issue sa naturang promotional video.