-- Advertisements --

Malaki umano ang posibilidad na magamit din sa pagsasagawa ng halalan sa bansa ang mobile app voting.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, maraming advantages ang mobile app voting gaya na lang sa panahon ng kalamidad.

â–¶Panukalang mobile app para sa Overseas Absentee Voting, malaking tulong sa gitna ng COVID-19 scare

Inihalimbawa nito ang nangyayari ngayong banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) o ang pagkakaroon ng lindol sa isang lugar.

Naniniwala si Guanzon na lahat ng mga botante ay mayroong cellphone at kahit nasaan man sila ay maaari pa ring makaboto.

Kung isyu naman ng glitches o hacking incidents ang pag-uusapan, ilang beses na aniya itong naging issue sa Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine na siyang ginagamit ng bansa sa pagboto mula pa noong 2010 national at local elections ay wala namang napapatunayang dayaan na nangyari.

Binigyang diin ni Guanzon na hindi dapat katakutan ang teknolohiya.