-- Advertisements --

Pinutol na ng sports brand na Adidas ang kanilang ugnayan sa American rapper at fashion model na si Kanye West.

Sa inilabas na pahayag ng kumpanya na hindi nila papayagan o kukunsintihin ang anumang uri ng antisemitism o hate speech.

Ang naging pahayag kasi noon ni West o ‘Ye’ ay hindi katanggap-tanggap at nakakabahala na malinaw na paglabag sa polisiya ng kumpanya.

Naing ka-partner na ng kumpanya ang rapper mula pa noong 2013.

Noong nakaraang mga linggo ay inanunsiyo ng kumpanya na pinag-aaralan ang kontrata nila sa rapper matapos na magsuot ito ng statement shirt na “White Lives Matter”.