Adele
-- Advertisements --

Inanunsiyio ng singer na si Adele ang nakatakdang concert.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng kaniyang bagong kantang “Easy On Me” at ibinahagi ang concert dates na July 1 at 2 sa Hyde Park sa London.

Ilang minuto matapos nito ianunsyo ang nasabing concert dates at nagkumahog ang mga fans na para makabili ng advance concert tickets.

Dahil na rin sa pagdami ng mga nagparehistro para makabili ng concert tickets ay bumigay ang website nito.

Ito ang itinuturing na kauna-unahang concert ng British singer matapos ang limang taon.

-- Advertisement --

Ilang mga singers na magtatanghal sa Hyde Park concert ay sina Elton John, Duran Duran at Pearl Jam.