-- Advertisements --

Ibinahagi ng singer na si Adele ang tamang pagbigkas ng kaniyang pangalan.

Sa isang vlog nito na “Happy Hour with Adele” ikinuwento nito ang paglapit ng isang babae at tinanong kung paano ibigkas ang pangalan niya.

Dito ay binigkas niya ng tama ang pangalan na “Uh-dale” at hindi “Uh-dell”.

Magugunitang naglabas ng bagong music video ang singer na “I Drink Wine” at magsisimula ang mga show nito sa Las Vegas sa darating na Nobyembre 18.