CENTRAL MINDANAO- Pinalakas pa ang ugnayan ng tanggapan ni Cotabato 3rd District Congressman Jose “Pingping”Tejada sa Task Force Sagip sa probinsya ng Cotabato.
Trabaho ng Task Force Sagip na asikasuhin ang pagpapauwi ng mga na-stranded sa ibang lugar na mga residente ng lalawigan ng Cotabato.
Sinabi ni Tejada na kailangang matiyak ang kalusugan ng mga stranded na uuwi sa kanilang mga bayan at siyudad sa North Cotabato.
Ito ay para mapigilan ang pagkalat ng virus kung sakaling mayroong carrier sa nakakahawang sakit sa mga ito.
Agad na sasailalim sa 14 day quarantine ang mga stranded na mga residente sa mga quarantine facility sa kanilang bayan na uuwian.
Sa mga na-stranded na Cotabateños ay maaring i-text lamang ang Task Force Sagip hotline 09615783048 sa 3rd District, 09518266356 sa 2nd District at 09518266358 sa 1st District.
Sasagutin ng mga kongresista sa tatlong distrito ang gastusin sa kanilang mga pangangailangan katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang sangay ng pamahalaan.
Dagdag ni Tijada ang mga stranded na OFWs, mahigpit na ipatutupad sa mga ito ang mga health protocol alinsunod sa National Guidelines kabilang na rito ang pagpresenta ng health clearances mula sa OWWA.
Ang pagsasailalim sa kanila sa isolation ay case-to-case basis at depende sa kanilang sitwasyon.
Araw-araw ay naglilibot si Congressman Tejada sa mga bayan na sakop na ika-tatlong distrito sa North Cotabato para masiguro ang pangangailangan ng mga stranded na residente na nasa isolation facility lalo sa kanilang kalusugan.