Ibinunyag ng actress na si Sofia Andres na isa na siyang ina.

Sa kaniyang Instagram aacount, makikita ang larawan ng kaniyang ama na si Eric at nobyong si Daniel Miranda.

Makikita rin ang larawan anak nila ni Daniel na si baby Zoe.

Naikuwento nito sa kaniyang IG, na may mga magandang naidulot sa kaniya ang ehanced community quarantine (ECQ) dahil nagkaroon ito mas maraming oras sa kaniyang anak.

Nagsilang ang actress noong Disyembre 2019 sa Australia kung saan pinasilip din nito ang video ng kaniyang pagbubuntis.