Isa ng ensing sa Philippine Coast Guard Auxilliary K9 Squadron ang actress na si Julia Barretto.
Si Barretto ang siyang pinakahuling artista na sumali sa uniformed service.
Sa ibinahaging larawan ng PCG sa kanilang social media ay makikita ang ginawang doning at oath taking ceremonies ng Auxiliary K9 Program ng PCG sa kanilang headquarters sa Port Area, Manila.
Kasabay niya bilang bagong auxiliaries ay sina Ando Catipay, Jalil Laidan at Harold Talan.
Dumalo rin ang nobyo nitong si Gerald Anderson na isa ring lieutenant commander sa PCGA K9 Squadron.
Naging pinaka senior appointee si Barretto sa group bilang ensign ang rangko na katumbas ng second lieutenant sa Philippine Army.
Pinangunahan ni PCG commandant Adm. George Ursabia Jr ang seremonyas kung saan sinabi nito na pinapalawak nila ang K9 units sa bansa bilang promosyon ng national security.