-- Advertisements --

Tuluyan ng maninirahan sa New York ang beteranang actress na si Cherrie Gil.

Sa kaniyang social media account, ikinuwento nito na ibinenta niya lahat ang kaniyang pag-aari at nag-empake na.

Inamin nito na napagod na ito at tila hindi na masaya kay noong makakuha ng tsansa ay ibinenta niya ang lahat ng kaniyang mga gamit at lumipat sa New York City kasama ang mga anak.

Hindi rin ikinaila ng 58-anyos na actress na sumasailalim siya ng therapy at counseling bago ang pagsisimula ng bagong kabanata ng kaniyang buhay.