-- Advertisements --
Ikinasal ang actress na si Bianca King sa nobyo nitong si Ralph Wintle.
Sa kaniyang social media ibinahagi ng actress ang larawan ng kanilang kasal na ginanap sa Sydney, Australia.
Kapatid kasi ng asawa ni Iza Calzado si Ralph na si Ben Wintle.
Hindi na inilahad pa ni Bianca ng ibang detalye ng kaniyang kasal.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kaibigan at mga kasamahan sa showbiz ng malaman ang pagpapakasal nito.