-- Advertisements --
Ipinakilala sa publiko ng actress na si Alice Dixson ang panganay na anak nito na si Sassa.
Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan kasama ang non-showbiz partner at anak nilang si baby Aura at Sassa.
Ito ang unang pagkakataon na ipakilala ang actress sa publiko ang dalawang anak nito.
Naging mahigpit at ‘protective’ aniya ang ama ng anak nito kaya ngayon lamang nila ito ipinakilala sa publiko.
Isa umanong masters graduate ang panganay na labis na ipinagmamalaki ng 51-anyos na actress.
Noong 2019 ay inanunsiyo nito na magkakaroon silang ng anak sa pamamagitan ng surrogacy.