-- Advertisements --
Masayang ibahagi ng actor na si Ronnie Liang na isa na siyang master’s degree holder.
Sa kaniyang social media, ibinahagi nito ang mga larawan ng kaniyang pagtatapos.
Kumuha kasi siya ng Master’s Degree in Management Major in National Security and Administration mula sa Philppine Christian University.
Sinabi nito na ang pagkamit ng mas mataas na edukasyon ay isang kagamitan na nagpapalakas ng mas oportunidad.
Kumuha siya ng kaniyang master’s degree matapos na matanggap niya ang kaniyang lisensiya sa pagka-piloto.
Noong 2019 kasi ay natapos niya ang kaniyang solo pilot ceremony ng sumailalim sa APG International Aviation Academy.