-- Advertisements --
Hinarang sa Munich Airport sa Germany ang Hollywood actor na si Arnold Schwarzenegger.
Ito ay dahil sa bigo niyang ideklara ang dala nitong mamahaling relo.
Ayon sa German customs spokesperson Thomas Meister, na pansamantalan inilagay nila sa customs area ang 76-anyos na dating gobernador ng California.
Pinakawalan din ang actor subalit iniwan sa customs ang mamahaling relo nito.
Inihahanda na rin ang kasong tax evasion laban sa “Terminator’ actor.
Mararapat aniya na patawan ng buwis ang nasabing relo dahil sa planong ibenta ng actor ang nasabing relo sa European Union.
Ilalagay kasi sa auction ang Audemars Piguet na relo para sa fundraising dinner ng climate change program ng actor sa Kitzbuehel