CAUAYAN CITY – Pinangunahan ng aktor at goodwill ambassador Gerald Anderson ang pamamahagi ng tulong sa Aeta Community sa lalawigan ng Quirino.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Anderson, sinabi niya na labis ang kanyang pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga taga-Cagayan Valley.

Aniya, sa paliparan pa lamang ay damang-dama na niya ang mainit na pagsalubong sa kanila.

Ayon pa kay Gerald, pangunahing layunin ng kanilang proyekto ang makapaghatid ng munting tulong sa mga minority group sa bansa at ang Aeta community sa Quirino ang kanyang unang napili.