-- Advertisements --

Ginawaran ng pagkillala sa Royal Family ang actor na si Daniel Craig dahil sa pagganap nito sa pelikulang James Bond.

Sa larawan na ibinahagi ng Royal Family, makikitang sinabit ni Princess Royal Anne ang medalya sa actor.

Ang Order of St. Michael at St. George medal ay ibinibigay ng Royal Family sa mga mamamayan nila na may katangi-tanging accomplishment sa larangan ng pelikula.

Nagsimula itong gumanap bilang James Bond noong 2006 sa pelikulang “Casino Royale” at huling 007 movie nito ay “No Time to Die” na ipinalabas noong Disyembre.