-- Advertisements --

Nagbabala si Dr. Guido David ng OCTA Research group sa posibilidad na humantong sa 60,000 ang active COVID-19 cases sa Metro Manila sa Setyembre kung magpatuloy ang pagkalat ng naturang sakit sa kasalukuyang bilis nito.

Sinabi ni David na ang surge ng COVID-19 cases sa Metro Manila ay posibleng mangyari sa kalagitnaan ng Setyembre.

Sa ngayon, ang reproduction rate sa National Capital Region ay pumalo na sa P1.64, ayon kay David.

Ang reproduction rate na less than 1 ay nangangahulugan na humihina ang pagkalat ng isang sakit.

Hanggang noong August 22, ang active cases sa Metro Manila, na binubuo ng 16 na lungsod na mayroong populasyon na nasa 13 million katao, ay pumalo na sa 36,054.

Simula noong nakaraang taon, mayroon nang 620,334 coronavirus infections na naitala sa NRC, kung saa 8,732 dito ang tuluyang binawian ng buhay.